Mon, 17 Dec 2018
24
Sydney

Fish Right Program. Magkatabi sina Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Eduardo B. Gongona (pangalawa mula sa kaliwa) at US Embassy to the Philippines Deputy Chief of Mission John C. Law (pangatlo mula sa kaliwa) noong ilunsad ang Fish Right Program sa Iloilo kamakailan. Inaasahang makikinabang sa Fish Righ Project ang mga kababayan sa Calamianes group of Islands. (Larawan mula sa Embahada ng Estados Unidos) LUNGSOD NG QUEZON, Dis 6 (PIA) -- Makikinabang ang mga kababayan sa Calamianes Group of Islands sa Hilagang Palawan sa panibagong programang inilunsad ng Estados Unidos at Pilipinas kamakailan.

Bukod sa Calamianes, makakatakim din ang Kabisayaan at ang Katimugang Negros sa programang Fish Right na naglalayong pag-ibayuhin ang pangangalaga at pangagasiwa ng mga karagatang yaman ng bansa at paramihin ang bilang at pabigatin ang timbang mga isda sa mga nabanggit na lugar.

Tiniyak ni US Embassy to the Philippines Deputy chief of Mission John C. Law na handang makipagtulungan ang kanilang pamahalaan sa Pilipinas pagdating sa pagpapalakas ng karagatang yaman at pangangalaga ng samut-saring buhay (o biyodibersiti).

Ginawa ni Law ang pahayag noong inilunsad ang programa sa Iloilo noong nakarang Nobyembre.

Aabot sa may dalawang milyong katao ang makikinabang sa programang Fish Right na nagkakahalaga nang may P1.3 bilyon.

Tatagal ang proyekto nang may limang taon.

Sa pagpapatupad ng programang Fish Right, ang kakatawan sa Estados Unidos ay ang US Agency for International Development (USAID) at ang Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) naman sa pamahalaang Pilipinas.

Bilang tugon, tiniyak din ni DA Undersecretary at BFAR Director Eduardo B. Guingona na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal pangingisda na siyang sumisira sa yamang-dagat at kabuhayan ng mga namamalakaya.

Ang "Malinis at Masaganang Karagatan: the National Search for the Country's Outstanding Coastal Community ang isa sa mga marine resource conservation and protection programa na inihalimbawa ni Director Guingona.

Sa ulat ng BFAR, halos 68.5 billion pesos kada taon ang nalulugi sa Pilipinas dahil sa iligal na pangingisda.

Sa pakikipagtulunngan ng BFAR sa USAID simula pa noong dekada 90, lumago ang bilang at timbang ng yaman dagat at isda sa bansa nang hanggang 24 na porsiyento. (LP/Embassy of the US)

More London News

Access More

Sign up for The London News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!